Ang pagiging bata ay isa sa mga pinakamasayang naranasan natin sa ating buhay. Ito yung pangyayari na hinding-hindi natin makakalimutan. Yung naglalaro ka kasama ng kaibigan mo ng tumbang-preso, luksong-baka, chinise garter, at iba pa; yung tipong kapag inaaway ka ng kalaro mo, iiyak ka at isusumbong mo sa magulang mo; yung tipong tumatakbo ka dahil papaliguan ka na ng mama o papa mo. Nakakamiss talaga ang maging bata. Ikaw ba, naranasan mo ba ang mga ito? Ano ba ang mga masasayang pangyayari noong bata ka pa na gusto mong balik-balikan?
Noong kabataan ko, mahilig akong maglaro ng lastiko at sticker. Naglalaro din kami ng kaibigan ko ng kahit ano tuwing hapon katulad ng baril-barilan, tagu-taguan, luksong-baka, tarzan2x, tumbang-preso, at iba pa. Tuwing gabi naman, nakikinig kami ng pamilya ko ng drama sa radyo o di kaya nanonood ng TV sa kapit-bahay na de battery. Wala pa kasing kuryente noong panahong iyon at ang tanging lang talaga namin ay ang paglalaro, pero kahit ganun masaya parin at hindi nakakalungkot ang naging kabataan ko dahil marami akong kalaro sa aming lugar. Noon, sinasama kami ng kapatid kong lalaki ng aming tiyahin sa lamak(taniman ng palay) tuwing anihan para tumulong sa pag-aani. Naglalaro din kami doon pagkatapos naming tumulong. tumatalong-talon kami sa digame ng palay. Naaalala ko pa noon na tumambling ako at na una yung ulo ko na bumagsak sa digame. hindi ako umiyak instead tumawa lang ako at ang kapatid ko pero di nya alam na masakit pala ang ulo ko kahit na malambot ang binagsakan ko. Kapag uwian na, nag-uunahan kami ng kapatid ko kung sino sa amin ang pinakamabilis na maka-uwi sa bahay. Tuwing umuulan, naliligo ako sa likod ng bahay namin na may alulod kasi pakiramdam ko may shower kami. Pasaway at makulit akong bata kaya naranasan ko na pinaluhod ako ni mommy kasama ang kapatid kong lalaki dahil umutang kami sa tindahan ng lola namin. Umiyak si mama sa sobrang galit kaya humingi kami ng tawad sa kanya. Naranasan ko din na pinalo ako ni papa sa sanga ng bayabas dahil binaril ko sa likod ang kapatid kong babae ng toy gun at dahil sa pangyayaring iyon, sinira ni papa ang laruan ko. Umiyak ako at sinabi niya na bawal na daw akong maglaro ng laruan na iyon. Sinabi niya rin na humingi ako ng tawad sa kapatid ko. Humingi ako ng tawad sa kapatid ko kahit na ayaw ko dahil nga sinira ni papa ang laruan ko. Ma-pride kasi akong pagkabata. Pinatawad naman ako ng kapatid ko at sinabi ko hindi ko na uulitin ang pangyayaring iyon.
Hindi man natin maibalik ang mga panahon na naging bata tayo,atleast masaya tayo na naranasan natin sa buong buhay ang ganoong pangyayari.